My name is Ella and was technically born out of wedlock. My parents were married in June of 1984, and I got out eight months later. Personal medical records can testify that I was born under normal procedure in the dawn of February in 1985, and was not pre-mature. While the information could already suffice such allegation to the slight disorder of sequence in the living-the-family life, my parents had to admit such act to me anyway since I learned how to count and recite the months in order.
I am a baritone woman who recently ventured into the business of exploiting my country’s inability to provide competitive means of earning a living to its people. And in the most ironic of places, fate brought me to where this new place's original inhabitants have chosen to travel to where I come from, and reciprocally exploit such talent that my fellow countrymen have in embracing the English language and its colonial mentality. We live in a world of everyday mutual exploitations, I tell you.
I am a natural skeptic, and once suspected the world of putting me in my own ‘Truman Show’. While my childhood is highlighted by timidity and shyness, I think I have come out of my shell as the cheerful, high cheek-boned individual who have learned to appreciate what she could do well and boost herself of the esteem that she needs out of it.
I still get disillusioned once in a while, though.
To you, people, whom I have since been with, have met, and will soon meet, welcome to my personal space on the web.

Ka-Jologan at 24
•Pinaglihi ako sa santol ng nanay ko.
•Parehas kami ng birthday ng bunso kong kapatid, at 10 taon ang agwat namin.
•Unang ambisyon ko daw sa buhay sabi ng nanay ko ay simple lang: maging labandera.
•May sari-sari store kami noon na madalas naming kupitan noong maliliit pa kaming magkakapatid ng mga barya— ako para makabili ng HAW flakes sa school canteen namin noong elementary. Wala na ang tindahan naming ‘yon ngayon.
•Pinagalitan ako ng titser namin noong Kinder ako dahil nahuli akong kumakain ng toothpaste. Iningganyo lang naman ako ng kaklase kong takam na takam din sa pagdila sa sarili niyang baong toothpaste. Pia ang pangalan ng kaklase kong iyon.
•Umuwi ako isang araw na walang saplot pang-ibaba noong Prep ako dahil dumumi ako sa classroom namin ng dalawang beses sa maghapon. Binigyan ako ng shorts ng teacher sa una, aba noong naulit, e ayun, wala na.
•Nagtapos ako ng Preparatory as valedictorian na may lagnat at beke. Hindi ko nakabisado ang speech ko dahil sa hindi ko magandang pakiramdam noong ‘commencement exercises’ namin, kung saan ako pa naman din ang emcee.
•Kinukuha ko ang mga naiwang bote ng softdrinks sa lamesa ng ‘messhall’ namin tuwing recess at lunch noong elementary para ipila sa canteen at kunin ang deposito. Tamang sideline lang para magkapera.
•Grabe ang pagkahumaling ko kay Leonardo Di Caprio noong highschool dahil sa Titanic na pelikulang ‘yan. Sampung beses ko yata napanood yung pelikula-- sa sinehan at VHS.
•Nanalo na ako ng libreng sine (X-men 2) dahil sa pagsali ko sa isang radio contest.
•Hindi ako sumali sa JS Prom at Grad Ball namin noong highschool. Soiree lang ako lumandi noong sophomore.
•Naging part ako ng volleyball team ng klase naming noong junior year sa highschool para sa intramurals. Bangko naman, I mean, reserve pala. Haha.
•Bagsak ako sa breaststroke session ng swimming lessons namin noong highschool. Marunong pa rin naman ako lumangoy.
•Member ako ng Computer Club for four years sa highschool, na tinagurian naming “Interaction Club” dahil puro na lang interaction with other boy schools ang agenda namin.
•Nag-audition ako sa LSFM para sa unang batch ng Campus DJ. Nakapasa ako sa initial interview, pero bagsak sa formal voice demo. Ayun, Baranggay LS na siya ngayon.
•Naranasan ko nang magpa-MRI at CTScan sa Makati Med dahil sa cyst na tinganggal sa hita ko noong nagtatrabaho pa ako sa night shift.
•Praning ako sabi ng mga kaibigan ko.
•Pangarap kong maging isang travel show host, dahil gusto kong makapunta sa iba’t ibang lugar.
•Hindi naman ako Bikolano (kay bisaya man ko), pero dati pa ay paborito ko na talaga ang LAING. As in.
•Ewan ko ung bakit, pero mashado akong naapektuhan sa pagkamatay ni Rico Yan at ng isa kong katrabaho noon sa Binondo na isang mountain climber. Hindi ko naman crush ang yumaong artista. Yung climber...errr. Parang.
•Nakatulog ako isang beses sa loob ng steam bath nang hindi sinasadya dahil sa sobrang pagod ko sa gym. Buti na lang hindi ako nasuffocate.
•Tatak ko na ang pagiging late sa mga lakaran. Pero nagbabago naman paminsan-minsan.
•Ultimate dream ko ay maging isang pilantropo. Ang bait lang, diba ;-)
•Nakipag blind date ako dito sa South Korea. Try lang, haha.
Next year, 25 na ito. :-)
Read More...